ANG Korean superstar na si Lee Seung Gi ang magsisilbing host ng survival show na Produce 48 na nakatakdang magsimula sa Hunyo 15.
Kaliwa’t kanan ang offer ngayob kay Seung Gi matapos lumabas mula sa dalawang taong military enlistment.
Bukod sa kanyang kasalukuyang variety show na Master In The House, pinaghahandaan na rin ni Seung Gi ang kanyang bagong show.
Ang Produce 48 ay isang kolaborasyon sa pagitan ng “Produce 101” at AKB48 ng Japan kung saan maglalaban-laban ang mga babaeng trainee mula sa Korea at sa Japan para maging bahagi ng isang grupo.
Kabilang naman si Lee Hong Ki ng FTIsland sa mga magiging trainor ng survival show na kanyang nakasama sa katatapos lang na Korean hit drama na Korean Odyssey.
MOST READ
LATEST STORIES