P112M jackpot walang nakakuha | Bandera

P112M jackpot walang nakakuha

Leifbilly Begas |May 13,2018
facebook
share this

P112M jackpot walang nakakuha

Leifbilly Begas - May 13, 2018 - 05:35 PM
WALANG tumama sa P112.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola kagabi. Walang tumaya sa winning number combination na 30-26-39-03-47-10 na lumabas sa bola noong Sabado. Nanalo naman ng tig-P191,410 ang anim na mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Ang 659 mananaya na nakakuha ng apat na numero ay nanalo naman ng tig-P1,390 mananaya. Balik naman ang P20 taya ng 16,310 mananaya na nakatatlong numero. Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending