Liza Diño umapela sa mga nangnenega sa FAMAS


NALUNGKOT si FDCP Chairperson Liza Diño when we asked him kung aware ba siya sa isyu ng paggawad ng FAMAS kay Vice Ganda bilang kauna-unahang recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award.

“I think siguro that’s the reason also why FDCP is here also. Kasi, siyempre, you don’t expect din naman for them to be perfect agad, with the changes that they are starting to adapt,” ani Chair Liza.

Panawagan ni Liza, dapat irespeto daw ang desisyon ng FAMAS, “Kumbaga, hindi naman natin makakaila that Vice Ganda has really, you know, has his own brand and he has created that kind of comedy that, box-office, how can you deny that, ‘di ba? So. Siguro ang isyu hindi ‘yung kung siya, e, kundi kung siya ba dapat ang una, parang ganoon.”

Kabilang ang FDCP sa mga tumutulong sa FAMAS para sa nalalapit na awards night nila on June 10 sa The Theater ng Solaire Resorts & Casino.

May mga kumukwestiyon din sa pagbuo ng independent body ng mga lider ng FAMAS na siyang pumili ng mga nominees pati na sa mga mananalo.

Aware naman daw ang mga member ng FAMAS about the independent body na siyang namili ng nominees at boboto for three winners sabi sa amin ng president nilang si Francia Conrado during the presscon through the support of FDCP.

Pero nagulat kami when our source told us na ‘yung tatlong heads lang daw ng grupo ang nakaalam nito and the rest ay nagulat na lang pagdating nila sa presscon.

Ayon pa sa aming source, magkakaroon daw sila ng meeting bago ang botohan na ipapatawag ng kanilang president. Hopefully, magiging maayos naman ang lahat.

Anyway, apela pa ni Chair Liza, dapat i-appreciate raw ang small things na ginagawang pagbabago ng FAMAS sa pagpili ng winners.

“I think the fact that the organizers agreed to have an independent body, it’s one step already kasi iba-iba rin ang proseso. So, I think, that’s one thing we should appreciate about them. But everything is a work in progress,” say pa ni Chair Liza.

Read more...