Derek enjoy sa pakikipag-live in sa model-gf: Pero gusto ko pa rin siyang pakasalan!

DEREK RAMSAY AT JOANNE VILLABLANCA

THREE years nang karelasyon ni Derek Ramsay ang girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Pero isang taon na silang living together kasama ang anak ni Joanne na si Sophie. Habang ang anak naman ni Derek na si Austin ay naninirahan sa US.

Hoping ang aktor na makasal sila ni Joanne in less than five years. Firm believer din kasi si Derek sa sanctity ng marriage. Big inspiration niya ang kanyang mga magulang na 40 years nang kasal.

Speaking of marriage, balik-Star Cinema si Derek via Direk Ruel Bayani’s film “Kasal” kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino. Unang nagkatrabaho sa pelikula sina Direk Ruel at Derek sa “No Other Woman” noong 2011.

Sa presscon ng “Kasal,” tinanong ang mga bida ng pelikula kung sa tingin nila ay handa na ang mga Pinoy na magkaroon ng divorce sa Pilipinas.

“We’re the only country left in a bandwagon of having divorce legalized and with the globalization, I think the country is ready,” diin ni Derek.

Though hindi siya pabor sa divorce, nararamdaman niya na magkakaroon sa Pinas ng ganitong batas.

“The world has become such a small space, it’s so easy to know anything and everything. If the entire world has jumped into that bandwagon, I think we will, too. Sad to say, again, I don’t believe in it. But we will end up with that,” aniya.

Kasama rin sa pelikulang “Kasal” sina Christopher de Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Legaspi, Cris Villonco, Kylie Versoza, Vin Abrenica, Bobby Andrews, Cai Cortez at JC Alcantara. Showing na ang “Kasal” sa May 16.

Read more...