Duterte fan kay Agot: Mamatay ka na please, pati mga anak mo!

SA halip na patulan at pagsalitaan ng masama, naging mahinahon si Agot Isidro sa pagsagot sa isang bastos na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilala si Agot sa pagpo-post ng kanyang mga pinaniniwalaang prinsipyo lalo na pagdating sa politika kaya naman kaliwa’t kanan din ang pamba-bash sa kanya ng mga maka-Duterte.

Kahapon, ipinost ng Kapamilya actress sa Instagram ang screencap ng pambabastos at pananakot sa kanya ng isang basher (@marcosideshow) na pinaniniwalaang tagasuporta ni Digong.

Anito, “Mamatay ka na pls agot. Pati mga anak mo imassacre sana ng mga addict. Typical crab mentality, millions of people voted for Duterte. Deal with it. Pls sana i massacare and marape anak mo pls.”
Ito naman ang sagot sa kanya ni Agot, “Such class. Happy Mother’s Day to your Mom!”

Ito naman ang message niya sa iba pang Duterte supporters na nang-aaway sa kanya, “Dear DDS, Your threats and insults do not do anything to me BUT make me STRONGER. Kaya sige lang!”

 

Read more...