NAKIPAG-SANIB pwersa ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa industriya ng show business para sa pinakaaabangang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo.
Sa direksyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017.
Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice habang ang fastest growing FM station na Wish 107.5 naman ang bubuo at hahawak sa production ng event.
Bago ang awards night, magkakaroon muna ng Nominees Night sa June 3, 5 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City. Makakatuwang dito ng SPEEd ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman Liza Dino.
Dito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ng FDCP ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.
Pagkatapos ng awards night, gaganapin ang bonggang after-party na tatawaging The Eddys Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.
Kaabang-abang din ang special screening ng dalawa sa nominadong Best Film, ang “Deadma Walking” at “Birdshot,” sa Cinematheque Center Manila sa May 26 at 27, 6 p.m..
Magkakaroon ng two-day filmmaking seminar-workshop ang SPEEd kasama ang FDCP at Globe sa Cinematheque Center para sa film enthusiasts at “play it right” anti-piracy campaign ng higanteng telecom company.
Sa May 26 (9 a.m.-12 noon), tatalakayin ang aspeto ng Musical Score kasama si Teresa Barrozo; at Sound Design (2 p.m.-5 p.m.) kasama si Immanuel Verona.
Sa May 27 (9 a.m.-12 noon), magkakaroon ng workshop sa Acting kasama si Anthony Falcon; at Cinematography (2 p.m.-5 p.m.), sa pamamahala ni Rain Yamson II.
Kamakailan ay ginanap ang synergy meeting ng 2nd Eddys kasama sina FDCP Chair Liza Dino, Globe Senior Vice-President Yoly Crisanto, Globe campaign specialist Lui Almoite, Archie Carrasco EVP ng OneMega Group, Mimi Miciano ng Wish 107.5 (Project Manager), Karol Ramirez, Ef Orpiada ng FDCP at ang writer ng 2nd Eddys na si Nash Torres.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga editor ng tabloid at broadsheet sa bansa. Ang bagong set of officers at members ng SPEEd ay sina: Ian F. Fariñas (People’s Tonight), President; Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), External Vice President; Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa) Internal Vice President; Maricris V. Nicasio (Hataw), Secretary; Gie Trillana (Malaya Business Insight), Asst. Secretary; Dinah Ventura (Daily Tribune), Treasurer; Dondon Sermino (Abante), Asst. Treasurer; Dindo Balares (Balita), PRO; Ervin Santiago (Bandera), Asst. PRO; Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.
Board Members: Jojo Panaligan (Manila Bulletin); Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer). Council of Founding Members: Isah V. Red (The Standard); Eugene Asis (People’s Journal) and Adviser, Nestor Cuartero (Tempo).