Ginagaya ko talaga sina Wonder Woman at JLo!- Regine Tolentino
INTERESADO kaming panoorin ang kauna-unahang dance concert ni Regine Tolentino, ang “Ignite” na gaganapin sa May 26, sa SkyDome, SM North Edsa.
Napapanood lang namin sa telebisyon si Regine kapag may production number siya at limitado lang naman ang ipinakikita niya sa pagsasayaw.
Mahusay na artista si Regine bukod pa sa magaling ding mag-host pero mas concentrated siya sa pagsasayaw at pagtuturo nito, sa katunayan siya ang itinuturing ngayong Zumba Queen. Isa rin siyang fashion designer at siya mismo ang nagdidisenyo ng mga dance outfit niya at ng ilang celebrities.
Nabanggit ng ex-wife ni Lander Vera Perez na siya mismo ang tumahi sa mga damit na isusuot ng guests niya sa “Ignite” dance concert kabilang na sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Marissa Sanchez, Andrea del Rosario, Madelle Paltuob, Zeus Collins, Gem Ramos, Leah Patricio, Sheng Belmonte, Jenny Miller, Alyna Velasquez.
Makikihataw din kay Regine sina Ynez Veneracion, Che Che Tolentino, Luningning, Mariposa, Zara Lopez, Dasuri Choi, Cherry Lou, Sherry Bautista, Saicy Aguila, at Ara Mina.
Sing and dance ang gagawin ni Regine sa “Ignite” tulad ng mga idolo niyang sina Jennifer Lopez, Beyonce, Lady Gaga, Britney Spears at Madonna. Si Regine din pala ang tinatawag na JLo at Wonder Woman (Gal Gadot) of the Philippines.
Aniya sa kanyang mga titulo, “It’s extremely flattering to be called those titles because idol ko si JLo and si Wonder Woman. I want to be just like them sa talino, ganda, lakas at prinsipyo. I feel humbled and this makes me want to work harder to inspire others like my idols. I am very passionate and happy with everything I do and I make an extra effort to stay in shape and be healthy and strong.
“Wonder woman daw ako dahil marami akong ginagawa talaga. Favorite ko rin siyang i-cosplay sa mga event. Kaya siguro na-associate ako sa kanya. Para sa akin ang Wonder Woman ay isang babae na kayang tapatan ng kahit anong challenge.
“Idol ko si JLo sa katawan, sa galaw, sa pagbihis and business sense niya. Kaya ginagaya ko siya in my own way, para I can be a version of her. But this title inspires me to keep on doing what I am doing at mas lalong galingan ang trabaho ko,” paliwanag ni Regine.
Ang Speed Dancers’ dance director na si Egai Bautista ang choreographer ng “Ignite” produced by Flanax, co-presented by 4.0 Events Management and RT Studios sa pakikipagtulungan ng Viva Artist Agency. Para sa tickets tumawag sa 09179795399.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.