Ayon sa 2017 SALN ni Duterte siya ay mayroong P29.34 milyong assets kasama dito ang P19.3 milyong pera na kanyang hawak at nasa bangko. Idineklara rin niya ang kanyang lupa sa Davao City na may kabuuang halagang P4.4 milyon.
Dalawang sasakyan din ang kanyang idineklara—isang 1978 Volks sedan (P40,000) at isang 1996 Toyota Rav 4 (P800,000).
Nagdeklara naman si Duterte ng P800,000 personal loan sa negosyanteng si Samuel Uy.
Kaya ang kanyang Networth ay P28.54 milyon.
Mas mataas ito sa P27.4 milyon na idineklarang networth ni Duterte noong 2016, ng manungkulan siya sa Malacanang. Noong 2016, ang kanyang networth ay P24 milyon.
MOST READ
LATEST STORIES