MRT train na bumibiyahe 18 na, 17 sunod na araw ng walang unloading incident

UMABOT na sa 18 ang bumibiyaheng tren ng Metro Rail Transit 3 Huwebes ng gabi.

Ayon kay Aly Narvaez, media relations officer ng Department of Transportation-MRT, alas-8:27 ng gabi ng umabot sa 18 ang bumibiyaheng tren ng MRT.

Huling umabot sa 18 ang bumibiyaheng tren ng MRT noong Nobyembre 16, 2017.

Noong Huwebes ay umabot sa 325,515 ang bilang ng mga pasahero na sumakay ng MRT.

Umabot sa 16 ang average na bumibiyaheng tren sa peak hours at 15 tren naman sa non-peak hours.

Sa kabuuang, umabot sa 136 loops ang nagawa ng mga tren. Wala ring napaulat na unloading incident.

Kaninang umaga, ang ika-17 sunod na araw na walang naganap na unloading sa MRT3.

Nilagpasan na nito ang 13 sunod na araw na naitala mula Oktobre 12 hanggang 24.

Noong 2011 nagsimulang dumami ang bilang ng mga unloading incident sa MRT.

Read more...