WALANG naglakas-loob na magtanong kay Bea Alonzo sa grand presscon ng latest movie nitong “Kasal” tungkol sa “break-up” nila ni Gerald Anderson.
Natapos ang question and answer portion ng presscon nang hindi napag-usapan ang estado ng relasyon nina Gerald at Bea, mabilis ding umalis ang aktres kaya hindi na siya na-interview nang one-on-one ng mga naghintay na reporter.
Ayon sa isang malapit sa aktres na aming nakahuntahan minutes before the presscon, iniiwasan daw talaga ni Bea na pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald dahil nga sunud-sunod na ipalalabas ang kanyang mga pelikula. Ayaw nitong maakusahan na gumigimik para sa bagong proyekto niya.
Pero ayon sa aming source, after daw ng “gulo” na nangyari during the promo ng movie ni Gerald with Pia Wurtzbach, hindi na talaga naibalik sa dati ang relasyon nina Ge at Bea.
Sey pa ng kausap namin, binigyan daw ng kundisyon ni Bea si Gerald na “magpakalalaki” at huwag na huwag magdetalye sa media ng totoong naganap during that time.
Nagkakausap naman ang dalawa, pero “off limits” ang mga ito sa mga dati nilang bonding moments when they were together as couple.
Balik-intriga tuloy naming tanong sa aming kausap, “So, dahil puno na ang 2018 ni Bea dahil sa dami ng projects niya, tuloy-tuloy pa ang dramang ito?” Sagot ng kausap namin, “Let’s wait and see!”