Sofia Andres umaasang makakabalik pa sa Bagani ng LizQuen: Sana…

SOFIA ANDRES

ISA nang ganap na bagani si Liksi (Zaijian Jaranilla) matapos niyang makuha ang lakas at kapangyarihan ng kalasag ng Kataw sa episode last Monday ng hit fantaserye ng ABS-CBN na Bagani.

Sa tulong ni Lakas (Enrique Gil) at gamit ang kanyang pamilya bilang inspirasyon, lumabas na ang tunay na kakayahan ni Liksi bilang pinakabagong bagani.

Matatandaan na si Mayari ang unang napili at napagkalooban ng kalasag ng Kataw ngunit sa kasamaang palad ay nabawian ito ng buhay nang mataaman ng kidlat ni Sarimaw.

Tunay ngang karapat-dapat maging isang bagani si Liksi dahil sa taglay niyang busilak na puso at tatag na magsakripisyo para sa pamilya at sa buong Sansinukob.

Ngayong unti-unti nang nakukumpleto ang mga bagani at nakuha na ni Liksi ang kalasag ng Kataw, mabawi na kaya nila ang Sansinukob mula sa kapangyarhan ni Sarimaw?

Speaking of Mayari, maraming nagtatanong kung babalik pa ba ang karakter ni Sofia Andres sa Bagani.

Anything is possible naman sa isang fantasy series.

And we’ve heard, umaasa pa rin si Sofia na mabubuhay muli si Mayari but as she told in an interview, nakaplano na talaga ang pagkamatay ng character niya sa 7th week ng series.

Read more...