Angel pinaligaya ang mga senior; interesado ba sa politika?

ANGEL LOCSIN

WOMAN of substance talaga itong si Angel Locsin.

Instead of partying to celebrate her birthday ay pinasaya niya ang mga elderly sa Anawim sa Rizal.

She posted on her Instagram account some photos kung saan kasama niya ang mga matatanda na labis ang tuwa nang makita siya. Ito ay sa tulong na rin ng ilang fans na nag-donate para mapasaya ang mga elderly.

“#Latepost. Forgive me posting this. I’m just bursting with pride for my dear Angels for organizing a charity event with the elderly of Anawim for my birthday. Alam nila na mas magugustuhan ko ito kesa sa mag-party. Salamat.

“They opt to donate their funds para kina lolo at lola. Confident daw kasi sila na mapapalitan, hehehe!”
“I also like to thank my endorsements for donating goods, hot meals, and other essentials to Anawim. Thank you for going there and staying late with them, too.

“Also, sa ibang group naman ng angels, I saw ‘pass an envelope for Marawi’ kay kuya Binoe, na-touched ako. Salamat, Angels! Mahal ko kayo!?? Balik tayo please!”

‘Yan ang caption ni Angel sa photos niya. May mga nag-comment naman na pwedeng-pwedeng pumasok sa public service si Angel dahil sa dami ng kanyang natutulungan, but the question is, interested ba siya sa politika? Tumakbo kaya siya?

Read more...