Nadakip si PO3 Armando Viana Jr., nakatalaga sa San Jose Police, at si Desiree Acong, 28, residente ng Malabon City, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Isinagawa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit at San Jose Police ang operasyon sa Aurelio Village, Brgy. Pag-asa, alas-11:45.
Nakuhaan ang mga suspek ng limang sachet ng hinihinalang shabu, isang P1,000 papel na ginamit bilang marked money, dalawang cellphone, anim na lighter, isang water pipe, 10 aluminum foil strip, isang kutsilyo, at Swiss knife.
Ayon kay Tolentino, nag-AWOL si Viana nito lang Abril 16, nang makutubang magpo-positibo sa isinagawang random drug test sa mga pulis noong Abril 13.
“The test indeed turned out positive. Since then, he (Viana) was subjected to intelligence operation and case build-up for selling ang using illegal drugs… until he was arrested by the operating team,” aniya.
MOST READ
LATEST STORIES