Nasawi sina Marie Joy de Jesus, 28, mga anak niyang sina Jomarie, 7, at Daniel, 9; pinsan niyang si Ana Donna Agrasada, 23; at mga anak nitong nakilala sa mga palayaw na Lon-lon, 6, at Don-don, 3, ayon sa ulat ng Southern Police District.
Sugatan naman sina Abegail Calderon, 9, at Judy Bulaklak, 56.
Nagsimula ang sunog sa apartment, na nasa Quirino ave., Brgy. Tambo, dakong alas-6.
Umabot ang apoy sa third alarm bago naideklarang “under control” alas-8:14 at tuluyang naapula alas-9:45.
Natagpuan ng mga bumbero ang mga bangkay ng anim na nasawi nang mag-clearing operation sa 3-palapag na gusali, ayon sa pulisya.
Bukod sa mga nasawi’t nasugatan, nagdulot ang sunog ng di bababa sa P50,000 halaga ng pinsala sa mga ari-arian.
Inaalam pa ang sanhi ng apoy, bagamat tinitingnan ang posibilidad na dulot ito ng paglalaro ng posporo ng mga bata. (John Roson)
MOST READ
LATEST STORIES