Kuya E pangarap ma-interview si Kathryn sa ‘RYTS’


APEKTADO  rin sa tinatawag na network wars ang singer, host at businessman na si Neo Padua o mas kilala sa tawag na Kuya E sa bago niyang programa na RYTS (Rule Yourself To Success) na mapapanood na simula ngayong Mayo 12, 4 p.m. sa Net 25 mula sa Big Eyes Events And Productions.

Sa media launch ng RYTS, sinabi ni Kuya E na wish niyang makapag-guest ang Kapuso at Kapamilya stars tulad ni Kathryn Bernardo at iba pang sikat na youngstars ngayon.

“Naiintindihan ko naman ang situation ng ating mga artista. Pero meron naman pumayag sa aming mag-guest gaya nina Lani Misalucha, Gladys Reyes, Gerald Santos, Vivian Velez at marami pang iba,” saad ni Kuya E sa press launch ng RYTS.

Ilan sa segments ng show ay ang All About Success, E- Balance, Shine Bright Like A Diamond at Tulong ni Kuya E. In the future, gusto rin niyang makapagdirek ng movie dahil graduate siya ng Film Making and Producing sa International Academy of Film and Television (IAFT) na mas kilala bilang Big Foot.

Naghahanda na rin siya ng repeat ng ginawang concert sa Music Museum dahil sa request ng mga nagmamahal sa kanya at bilib sa kahusayan niya bilang singer.

Read more...