Pamilya ng menor de edad na netizen binantaan si Ellen: Public apology o demanda?


NAKAKITA ng katapat si Ellen Adarna. Akala siguro ng sexy actress ay puwede na niyang gawin ang kahit ano ngayon porke karelasyon niya ang isang sikat na personalidad.

Pinagtripan niyang ilabas sa kanyang IG story ang isang menor de edad na kababayan nating pinagdudahan niyang kumukuha ng video nila ni John Lloyd Cruz, binulabog niya ang pananahimik ng bagets, napahiya ito kaya kumilos na ang kanyang pamilya.

Hinihingan siya ngayon ng public apology ng ina ng menor de edad na dalaga, limang araw lang ang palugit na ibinibigay sa kanya, kapag hindi ‘yun ginawa ni Ellen ay kasunod na agad nu’n ang isang demanda.

Mauuwi sa husgado ang paglalabas niya ng identity ng isang menor de edad, malaking pananagutan ang nakaabang sa sexy actress dahil sa kanyang ginawa, wala siyang pamimilian ngayon kundi ang humingi ng public apology sa pamilya ng dalaga para hindi siya makasuhan.

‘Yan na nga ba ang sinasabi ng matatanda. Ang bawat palayok ay may katapat na takip. Nakatagpo ng katapat ang karelasyon ni John Lloyd Cruz.

Read more...