BISITA namin last Sunday sa DZMM Teleradyo show naming “Chismax” ang mga opisyales ng FAMAS na sina Francia Conrado (president), Eloy Padua (chairman) at ang producer ng 66th FAMAS awards na si Donna Sanchez.
Una nilang binanggit na among the special awards na kanilang ipapamigay sa June 10 ay ang Dolphy King of Comedy Award for Vice Ganda.
Sa kontrobersya kasing pinag-uusapan hinggil sa unang-unang recipient nito, marami ang bumatikos na hindi pa raw time ni Vice na mabigyan ng ganu’ng parangal.
Sey ng isa sa mga opisyal, “Vice is as equally deserving as those mentioned by some showbiz insiders. He has already achieved quite a remarkable contribution in the said field. Pero ang dapat malaman ng mga nagtatanong ay yung personal mismong pagpili sa kanya ng Quizon family to be it’s first recipient.”
Si Kuya Ricky Lee ang nagsilbing chairman o Jury Head para piliin ang mga nominees at magiging winners ng mainstream categories habang may separate group para sa mga bagong kategoryang isinama nila gaya nga ng short and documentary films.
Impressed kami sa line-up ng mga nominees for various categories at pagpapatunay lamang ito na serious na ang FAMAS para muli nilang ibangon ang kauna-unahang award giving body sa bansa na noong mga nakaraang panahon ay nabahiran ng sari-saring kontrobersya at kinuwestiyon pa ang kredibilidad.
With these officers around and the innovations they want to impart, naniniwala kaming maibabalik pa ang glory days ng pioneer award-giving body na 66 taon nang namimigay ng parangal.
Gaganapin ang awards night sa June 10, sa The Theater, Solaire to be hosted by Piolo Pascual, Robi Domingo and Kim Chiu.