AKSIDENTENG napunta kay direk Eric Quizon ang pagdidirek ng pelikulang “My 2 Mommies” ng Regal Entertainment.
Ito ang ibinuking ni Roselle Monteverde, anak ni Mother Lily, sa kanyang Instagram na nagbigay ng papuri sa galing ng kaibigang si Eric at sa kanilang Mother’s Day offering na bihira niyang maibulalas sa publiko, huh!
“Thanks to my bff Eric Quizon for his patience. He is the perfect match to this movie which btw (by the way) accidentally landed on him. His is the most tedious job and d greatest assembly on this movie! Ang galing mo direk Eric!” bahagi ng post ni Roselle.
Dumalo rin sa premiere si Maricel Soriano na lumabas na mataray at babaeng baklang tiyahin ni Paolo Ballesteros. Palakpakan ang audience sa kanyang mga pasabog na eksena. Heto ang pahayag ni Roselle para sa Diamond Star.
“Of course, my friend Maricel Soriano, to who I am very grateful for bravely accepting the role. Marya is awesome with being just herself her signature performance – witty and still undoubtedly still the unbeatable actor with great timing and very respectable.”
Heto naman ang mensahe ni Roselle para sa mga bida ng “My 2 Mommies” na sina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff, Joem Bascon at bagong child actor na si Marcus Cabais.
“Every actor from Paolo Ballesteros who is genuinely and naturally not only funny but also witty and versatile; Solenn Heussaff’s sincerity with her character made me feel for her motherhood role even though she never had any mommy experience.
“Marcus Cabais as the child was exceptionally good and not overacting; Joem Bascon is perfect for the role as the partner for Paolo. They both have that chemistry na nakaka kilig and Joem’s acting feels calming and very sensible,” ani Ms. Roselle.
Ilang beses niyang nabasa ang script ni direk Joey Reyes at ilang beses na rin niyang napanood ang movie pero aliw na aliw at natatawa pa rin siya sa kuwento nito.
“Dianne Medina, Billy Ray Gallion, Mitch Laggayu, Lotlot Bustamante…you all did very, very well. Thanks Joey Reyes for the beautiful screenplay. Tagos sa tiyan sa laughter and tagos sa puso sa love! I do believe in non-formula movies, Joey.
“Kudos to everyone. Cheers to the cast and staff!!!” pagbubunyi pa ni Roselle.
Hindi rin itinago ni Roselle na sa tuwing nanonood siya ng premiere ng Regal movie, uneasy ang nararamdaman niya dahil gusto niyang malaman ang reaksyon ng audience.
“Tonight I was astonished by the overly positive acclamation! They were enthusiastically laughing and continuously raving about how well made it is,” sey pa ni Roselle.
Saktung-sakto ngayong Mother’s Day ang “My 2 Mommies” na showing na ngayong araw sa mga sinehan nationwide.