Ate Guy pinalitan ang nawalang kalabaw ng umiiyak na matanda

NORA AUNOR

THROUGH  a colleague, Rodel Fernando, we went to see our idol Nora Aunor who attended the “Tribute To Lukas” concert sa Ka Freddie’s owned by legendary singer Freddie Aguilar.

During yosi break, we were able to banter with an avid Noranian who told us how generous Ate Guy was.
Napanood kasi niya ang isang interview ni direk Joel Lamangan who megged the Superstar in “Sidhi.” During a shooting break, nakita ni Ate Guy ang isang matandang lalaki na umiiyak. Nawala kasi ang

kalabaw nito. When Ate Guy asked how much it cost, sinabi ng matanda na P15,000.

The next day, pinadala ni Ate Guy sa matanda ang binili niyang kalabaw kapalit ng nawala nito. Ang nakakaloka, hindi nakilala ng matanda na si Ate Guy ang nagmagandang loob sa kanya.

Sa tribute kay Lukas ay tatlong beses nag-donate si Ate Guy. At bawa’t performer ay talagang pinalakpakan niya. Ang mga kumanta sa stage ay si Ka Freddie with his son Jericho Aguilar, DJ Alvaro na magaling pa rin at walang kupas, Lito Camo na parang nag-full concert sa dami ng kinanta.

q q q

Na-bash nang husto si Xander Ford dahil sa maling English construction when he said, “Thank you the great Sendels maker mr, [bragaisjojo] for inviting me last two nights.”

Out of pity perhaps, marami namang nagtanggol sa kanyang fans.

“Pilipino nga naman masyadong mapanglait.”

“Ang mga Pinoy talaga likas na mapanglait.”

“Makalait ang iba d2 wagas e d kau na ang perfect. Samantalang maraming Pilipino din naman ang trying hard mag English in im the one of them oh english un ah. proud to be. Kahit my kachat akong foreigner naiintindhan naman ako khit barok pa English ko.”

Read more...