Sofia: Hayaan mo na lang akong maging masaya!

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

HINDI man diretsong pinangalanan ni Sofia Andres ang taong pinatatamaan niya sa kanyang latest post sa social media, ang hula ng ilan sa kanyang followers ay walang iba kundi si Diego Loyzaga.

Ayon sa Kapamilya actress, hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong pilit kang ida-down porke masaya sila sa kanilang mga buhay.

“Even if we are not friends with that person anymore I hope he or she still respect us, our life, our new journey and know that we have to move forward.

“I don’t understand why some other people would always want to bring you down when they see you happy. Can you let me be happy?” ang mensahe ni Sofia.

Ito’y matapos ngang ibandera ni Diego na may boyfriend na raw si Sofia kaya huwag nang i-link ang pangalan niya sa dalaga. At masaya na rin daw siya sa kanyang personal na buhay.

Kamakailan sa isang panayam, sinabi ni Sofia na hindi pa niya kayang makipagkaibigan uli sa dati niyang ka-loveteam, “Not this time po. Iba po kasi talaga siguro kapag nasaktan namin yung isa’t isa nang sobra. Hindi na po namin alam kung paano magiging okay ulit.”

Samantala, nali-link naman ngayon si Diego sa isang non-showbiz girl na nagngangalang Chelsea Ronquillo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Chelsea ng photo nila ni Diego na magkasama na may caption na: “Think watchu wanna think, we all know what it is since 2011, much love.”

In fairness, mukhang malalim nga ang dahilan ng paghihiwalay ng Sofiego loveteam.

Read more...