Glaiza umeksena sa radio station ng Australia


BONGGA ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro, ha!

Nag-guest lang naman ang bida sa Kapuso afternoon series na Contessa sa isang kilalang radion station sa Australia, ang SBS.

Habang nagbabakasyon sa Australia, umeksena na rin ang Kapuso star sa nasabing istasyon para pag-usapan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, pati na rin ang kanyang ginagawang pagta-travel sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nakatakdang mapanood at mapakinggan ang interview ni Glaiza sa SBS ngayong Sabado.

Samantala, patuloy na tutukan ang maaaksyon at makapigl-hiningang eksena sa Contessa tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga. Siguradong mas ikaka-shock n’yo ang mga susunod na pasabog ni Contessa laban sa kanyang mga kaaway.

Read more...