Jackie Forster sinusulit ang 24 oras sa 2 anak: Please, wag n’yo akong gisingin!


KUNG may isang nanay ngayon na siguradong super happy sa kanyang buhay, ‘yan ay walang iba kundi si Jackie Forster.

Tuluyan na ngang nabuo ang pagiging ina ni Jackie sa muling pagtanggap sa kanya ng dalawang anak kay Benjie Paras, sina Kobe at Andre.

Nitong mga nakaraang araw, sinusulit na ni Jackie ang kanyang panahon kasama ang mga anak makalipas nga ang halos 12 taon ng hindi nila pagkikita at pag-uusap. Sa katunayan, sunud-sunod ang date night nilang mag-iina nitong nakaraang mga araw.

Recently, magkasamang nanood ng sine sina Jackie at Andre at nitong nakaraang Huwebes, ka-date naman ng dating aktres si Kobe sa concert ni Bruno Mars na “24K Magic World Tour” sa MOA Arena.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jackie ng litrato nila ni Kobe na kuha sa loob ng Arena kung gaano siya kaligaya bilang isang ina. Nilagyan niya ito ng caption na, “When your prayers are turning into your reality. Another dateNight with another super pogiiii @_kokoparas.

“Nobody ‘wake me’ please I’m having the best dreams ever. #HabaNgHair Rapunzel si mama #brunomars #powerofaprayingwo-man,” dagdag pa niya.

Sinagot naman ni Kobe ang post ng kanyang nanay, aniya, “We were dancing our asses off lmao I LUV YA MOTHER DEAREST.”

Read more...