Butch Francisco inagaw ang cellphone sa delivery boy, manager tinalakan | Bandera

Butch Francisco inagaw ang cellphone sa delivery boy, manager tinalakan

Ronnie Carrasco III - May 07, 2018 - 12:35 AM


BASE sa huli naming pag-uusap sa phone, we got the impression na ang tanging hinihintay na lang ni Butch Francisco na matapos sa ipinagagawa niyang bagong bahay ay isa sa mga banyo nito.

“The pair of telephone showers had to be installed,” sey ni Butch patungkol sa mamahaling pares ng old copper telephone shower. A non-sale item at a high-end home furnishing store, nabili niya ito noong November, 2016 pero hindi niya inakalang depektibo ang isa.

“Kailangan kong papalitan du’n sa store na binilhan ko,” medyo asar na sabi niya.

“Hindi ko alam kung kailangan ko ‘tong sabihin pero nakaengkuwentro ko ‘yung store manager-on duty sa telepono. Pinagbabayad kasi ako ng P500, hindi raw puwedeng palitan since lampas na raw ‘yung one-year warranty. I refused to pay ‘coz ang sa akin, it wasn’t a perishable stuff. Okey lang sana kung pancit ang binili ko. Natural, mapapanis ‘yon,” aniya.

Ang lalo pa raw na ikinairita niya ay nang marinig ang store manager habang kausap ang delivery boy.

Their convo was within Butch’s earshot.

“Dinig na dinig ko ‘yung sinabi ng manager, ‘Sige, hayaan mo na, hindi naman niya (Butch) ikayayaman ‘yang P500. Iabot mo na lang ‘yung return slip at papirmahin mo bilang pruweba na natanggap niya ‘yung ipinalit natin.’

“Kinuha ko talaga ‘yung phone sa delivery boy, sabi ko du’n sa manager, ‘Why did you have to say na ‘di ko ikayayaman ‘yung P500? Alam mo, sana lang, hindi ganito ang gawin n’yo sa ibang mga customer n’yo.’ ‘Di siya nakaimik,” he added.

Eto ang punchline. Nang pipirmahan na raw ni Butch ang return slip ay napansin niyang may handwritten lapse sa grammar committed by the store manager.

“Saan ka nakakitang may correction ‘yung resibo? In-edit ko talaga!” tatawa-tawang sey ni Butch, na oo nga pala, dati siyang editor ng TV Guide (and later a broadsheet).

English 101, anyone?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending