Horoscope, May 05, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot ng kulay red na damit upang suwertehin ka sa salapi at pag-ibig. Sa isang lugar na malapit sa nature okey mamasyal. Kapag nakapag-relaks, mas maraming magagandang kapalarang matatanggap. Mapalad ang 8, 14, 27, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Me-Om.” Red at gray ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Upang umunlad, kailangang pasunurin mo ang mga taong nasa palgid mo, yon din ang indikasyong papunta ka na sa pagyaman. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo upang magpatuloy ang isang masaya at matimyas na pagmamahalan. Swerteng araw ang Martes. Mapalad ang 3, 6, 12, 28, 37 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kale-Varam-Tam-Om.” Pink at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig upang magtuloy-tuloy ang suwerte bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay, kahit maliit ang kinita, pilitin pa ring makapag-savings. Swerteng araw ang Biyernes. Mapalad ang 9, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: Om-Mani-Padme-Hum”. Maroon at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Mapalad sa negosyong may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan. Sa pag-ibig, isang Libra ang matagal ng may lihim na pagtingin sa iyo. Kapag nagpahiwatig sunggaban mo agad, masarap na romansa ang mararanasan. Swerteng araw ang Miyerkoles. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastam-Om.” White at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ngitian ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, wag pagsungitan ang minamahal upang tuloy-tuloy na pagpalain ang inyong relasyon. Kapag lagi kayong nagmamahalan ng iyong kasuyo, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Swerteng araw ang Lunes. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Magsimula sa maliit na negosyo at palakihin ng palakihin, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, lakas-loob mong, ipakita sa iyong minamahal ang pag-ibig na malaon mo ng nararamdaman sa kanya. Swerteng araw ang Linggo. Mapalad ang 4, 16, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umali-Om”. Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa linggo ito may tanong sa sariling mangugulo sa iyo, “ “Kung dapat pa bang balikan ang isang relasyong bawal?” Sundin ang tinitibok ng puso upang hindi ka mamali ng pasya. Swerteng araw ang Miyerkoles. Mapalad ang 5, 17, 23, 25, 36 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Bigyan ng regalo ang mga taong dati ng nagpapasaya sa iyo. Sa ganyang paraan tuloy ang dating ng mas marami pang mga biyaya at pagpapala ng buhay. Swerteng araw ang Huwebes. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty is in the eye of the beholder.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Panahon na upang hanapin ang kakilalang Taurus at sa kanya ka humingi ng pabor upang matuldukan na ang iyong mga problema. Sa pag-ibig hinay-hinay lang sa romansa upang wag mabigla ang iyong katawan. Swerteng araw ang Lunes. Mapalad ang 2, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “”Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pag-ibig, at hanap buhay, kung hindi ikaw ang mag-aabroad, tiyak na ang mapapanagsawa mo ang magiging OFW. Palaguin ang inyong kabuhayan sa pamamagitan ng pagsa-savings at masinop na pamumuhay. Swerteng araw ang Huwebes. Mapalad ang 3, 4, 9, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal wag mong intidihin ang sinasabi ng iba, ang mas mahalaga kumikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, punan ang mga pagkukulang sa iyong minamahal, mamayang gabi, paligayahin ng husto ang kasuyo. Swerteng araw ang Sabado. Mapalad ang 4, 13, 21, 36, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Om-Makti.” Red at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Panahon na upang kalimutan ang nakaraang relasyon. Isang Libra ang magpapadama ng isang wagas at bagong romansa. Sa pinansyal, tipid-tipid muna hanggat wala pang hawak na malaking halaga ng salapi. Swerteng araw ang Biyernes. Mapalad ang 2, 7, 10, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Neh-Om”. Blue at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kahit marami kang g pera at lumago ng lumago ang kabuhayan, alam mo bang laging may kulang? Ang tunay kasing ligaya ay matatagpuan lamang sa pagtulong sa iyong kapwa. Swerteng araw ang Linggo. Mapalad ang 2, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Read more...