Male celebrity ‘na-guilty’ nang magdeposito ng P2M sa bangko


DA who? “Should I feel guilty?” bungad na tanong ng isang male celebrity sa amin bago niya simulan ang kanyang kuwento tungkol sa recent bank transaction niya.

Isa siya sa mga valued clients ng isang commercial bank that he can transact business even beyond banking hours. Kamakailan ay nagdeposito siya—along with his family before treating them to dinner—ng more than P2 million, but he arrived at the bank late.

Since he enjoys the privilege of transacting business anytime ay tinanggap lang ang kanyang deposit, the amount to be posted within the day. Umalis na ang male celebrity on his way to the resto for the family dinner.

About four hours passed, he got a frantic call from the branch manager. Kulang daw ng kinse mil ang tinanggap nilang perang idineposito niya.

He knew, however, he deposited an exact amount. In bundles in P1000 denomination, in fact.

Kinontes ng male celebrity ang advice ng banko, which maintained that one of the P1000-denomintion bundles produced a red light, ibig sabihin, kulang. Katwiran ng celebrity endorser, apat na oras ang nagdaan, a bit too long if there any discrepancy in the transaction.

Gayunpaman, medyo nagi-guilty ang celebrity. Ikakaltas nga naman ‘yon sa kung sino ang tumanggap ng kanyang deposit. Sabi namin, if he made the deposit in good faith and he knew na buo naman ‘yung pera, there should be no room for guilt feelings. Saka lang nahimasmasan ang male celebrity na itago na lang natin sa alyas na RJ as in Rich Jobless.

Read more...