Jameson Blake guilty sa ‘raket lang’ hugot ni Jun Lana: It’s really my fault!


TINANGGAP ng Hashtag member na si Jameson Blake na siya ang artistang tinutukoy ni direk Jun Lana sa nakaraang post nito sa Instagram na binara ang mga artistang raket lang ang tingin sa paggawa ng pelikula.

Si Jameson ang lead actor sa ginagawang pelikula ng premyadong writer-director na may titulong “Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi.”

“That time kasi, I had a show the next day. So we just talked about if I was able to leave early. But then we understand kay direk Jun, his side as a director.

“Of course, he wants his movie to be perfect. Siguro there was just like, at that moment, misunderstanding lang. Like for me, hindi naman ako actor na full time, eh. My job as a Hashtag member, may mga raket din kami so ‘yun lang,” paliwanag ni Jameson sa presscon ng Regal movie nila ni Janella Salvador, ang “So Connected”.

Dagdag pa niya, “Siguro he understands naman na minsan…it’s really my fault kasi hindi ko hawak ang schedule ko and everything,” depensa pa niya.

Hindi maikakailang mabenta rin si Jameson bilang member ng grupo. Talagang hahanapin siya sa mga out of town guestings kung absent siya sa tinanggap na raket.

Easy money kasi ang mga tinatawag na raket lalo na sa mga sikat na artista. Kanta-kanta o sayaw-sayaw ka lang, in cold cash ang perang makukuha mo. To think na hindi pa matagal ang ibababad niya sa mga raket na yun, huh!

Hindi kagaya ng movie o regular series na magtatrabaho ka nang mahabang oras at maghihintay ka pa ng araw ng suweldo upang mabayaran ang pinagpaguran mo.

Pero dapat itanim sa utak ng mga baguhang artista ngayon na mas malaki ang makukuhang mileage ng isang aktor o aktres sa paggawa ng pelikula kumpara sa mga easy money raket. Magsisilbing legacy rin ito ng isang artista kapag naging box-office ‘yon at humakot ng awards, huh!

Read more...