Popster kinasuhan ni Angeline sa Camp Crame


KAHAPON ay personal na nagtungo si Angeline Quinto sa Camp Crame, Quezon City para magsampa ng kasong cyberbullying at threat laban sa Twitter user na Music Movie and Arts (@Mico 1617) matapos pagbantaan ang kanyang buhay pati na ng kanyang pamilya.

Kayang palampasin ni Angeline ang pamba-bash sa kanya dahil sanay na rin siya rito, pero ang pagbantaan ang buhay at murahin ang mga taong mahal niya sa buhay ay ibang usapan na.

Nagsimula ang pagmumura ni Mico1617 kina Angeline at Morissette dahil sa video raw na lu-mabas kung saan pinagtatawanan daw nila si Sarah Geronimo nang mag-iiyak sa concert nito sa Las Vegas. Tinawag pa raw nila ang Pop Princess na “pabebe.”

Hindi kami makapaniwala na Popster ang Mico1617 na ito, pwede rin kasing nagpapanggap lang siya. Marami naman ka-ming kilala at nakakausap na supporters ni Sarah at masasabi naming mababait at magagalang sila.

Naawa lang kami kay Angeline at sa kanyang pamilya, personal naming kilala ang dalaga at kahit na may pagkataklesa siya, ni minsan ay hindi siya nagsalita ng masama sa kanyang kapwa, lalo na kay Sarah na isa sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Read more...