Ysabel Ortega napaiyak dahil kay Lito Lapid: Papa, I really miss you!

YSABEL ORTEGA AT LITO LAPID

DINEDEDMA lang pala ni Lito Lapid ang effort ng kanyang anak na si Ysabel Ortega na magkaroon uli sila ng komunikasyon makalipas ang napakaraming taon.

Noong 2015 unang inihayag ng Kapamilya youngstar na hindi na sila nagkakausap ng ama at mukhang hanggang ngayon nga ay patuloy siyang binabalewala ng actor-politician. Dedma lang daw ito kahit palagi siyang nagpapadala ng birthday at holiday greetings.

“I don’t have their contact, so I contact his aide,” dito na napaluha ang dalaga sa panayam ng Tonight With Boy Abunda. “I always think of my dad so whenever it’s his birthday, I always make it a point to greet him. And every holidays, lagi ko pa rin po binabati.”

Sa kabila nito, mahal na mahal pa rin ng bagets ang kanyang ama at isa raw si Lito Lapid sa mga inspirasyon niya sa pagpasok sa showbiz.

“Papa, if you’re watching, I really miss you and nandito lang po ako. No matter what happens I will always be here, I will always be your daughter, I will always love you, and I will always have respect for you,” ang madamdaming mensahe ni Ysabel na anak ng action star sa dating aktres na si Michelle Ortega.
Napapanood siya ngayon sa serye nina JM de Guzman at Barbie Imperial na Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi bilang ka-loveteam ni Hashtag member Paulo Angeles.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Sen. Lito Lapid.

Read more...