Robin nanindigan sa ipinayo kay Kristel: Kailangan mo pa rin ng lalaki!

KRISTEL DE CATALINA AT ROBIN PADILLA

SA kabila ng pamba-bash sa kanya ng mga netizens, pinanindigan ni Robin Padilla ang payo niya kay Pilipinas Got Talent Season 6 grand winner Kristel de Catalina na kailangan niya pa rin ng isang lalaki sa kanyang buhay kahit na successful siya bilang single mother.

Isang mahabang mensahe ang ipinost ng PGT judge sa kanyang Instagram account para kay Kristel, kasabay nito ang pagpo-post niya ng isang litrato kung saan buhat-buhat niya ang magaling na spiral pole dancer. Narito ang ilang bahagi ng IG post ni Binoe.

“Sa ngalan ng Nag iisang Panginoong Maylikha ang PinakaMapagpala at ang Pinakamahabagin. Akoy nagpapasalamat sa Nag iisang Dios sa pagpapala na ito na maging bahagi ng Rebolusyon sa ngayon at maging parte ng Makasaysayang Pagkapanalo ng Single mom na si Kristel.

“Napatunayan mo ang ibig sabihin ng Woman Power dahil sa Ganda at Swabe ng Performance mo. We are all hypnotized by your deep love to your child and the single mom journey with life that was very clear with your choreography…. Saludo ako sa iyo Tunay na You did it All by yourself.

“Pero muli kong sasabihin bilang iyong kapamilya na rin at bahagi ng pgt 6 Kailangan mo pa rin ng Lalaki at hindi ibig sabihin non na Kasintahan o ano man kundi magiging Father Image sa iyong Anak na lalaki. I will never question any mother’s capability to survive and be victorious but reality is asking for it.
“Puede naman ibigay ito ng kahit na sinong lalaki sa Pamilya basta meron siyang maging anyo at halimbawa ng isang Lalaki. Muli KRISTEL ang Pag Angat ko saiyo na ito kahit may diperensya na ang likod ng LOLO ay Pagsaludo sa iyo at Pagpupugay sa iyong Pagkapanalo bilang Grand winner ng PGT season 6.”

Read more...