Horoscope, May 04, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Unti-unti nang namamayani sa kalangitan ang signos ng Taurus kasabay ng maulap na kalawakan. Lumabas ka ng bahay. May magandang kapalaran mapapakinabangan. Bukod sa nakakikilig na romansa, malaking halaga ng salapi ang makukubra mula sa isang political gathering. Mapalad ang 1, 6, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isipan, mas masarap na romansa ang mararanasan. Sa materyal na bagay, kapag wala kang gaanong iniisip, kusang darating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Huwag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos gawin. Sabihin sa sarili, “Yan lang ang nakayanan!” Sa pag-ibig, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanya na hindi mo kayang ibigay ang lahat ng kanyang gusto. Mapalad ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Pink at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung hindi ka magbabago ngayon, kailan pa? Baguhin ang estilo sa pagtatrabaho, dagdag na sipag ang dapat. Sa pag-ibig, baguhin ang estilo ng pakikipagromansahan upang hindi ma-boring ang kasuyong mahilig. Mapalad ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa linggo ito, maraming salapi ang pawawalan ng tadhana kaya kailangang may masapo ka. Laging maglalabas ng bahay. Sa pag-ibig, ituloy ang masayang pakikipag-date sa kasuyong Capricorn. Mapalad ang 8, 14, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Ang mga Leo ay nakadepende sa sikat ng araw—kapag lalo pang uminit ang panahon, tuloy-tuloy na uunlad ang kabuhayan at lalong magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Orange at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa pag-ibig, nasa iyo ang initiative upang muling uminit ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Madaragdagan ang iyong gastusin dahil malapit na naman ang pasukan. Kailangang magtipid. Sa pag-ibig, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at apple green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Magkakaroon ka ng malaking halaga ng salapi mula sa isang grupo ng mga politikong pulpol. Tanggapin ang kanilang inaalok, sayang ang grasya. Sa pag-ibig, wag nang pansinin ang kasuyong makulit, gusto ka lang niyang maisahan. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kailangan mong sumikat at makisalamuha sa lipunan sapagkat iyan ang iyong tadhana. Sa linggong ito maki-join sa mga gawaing may kaugnayan sa mga religious at political activities. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Aries. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Red at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang sumeksi kang muli ay iwasan ang pagkahilig sa pagkain. Mentras maganda kang tingnan ay mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Secundus-Nulli-Om.” Black at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Hindi pa huli ang lahat, Oo lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Libra o kaya’y sa isang Gemini. Kapag nawala sila, wala na muling darating sa iyong buhay. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, may mas malaking halaga ng salaping makukuha. Sa pag-ibig, habang umiinit ang panahon lalo namang iinit ang pagmamahalang hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Read more...