PSL Grand Prix crown puntirya ng Petron Blaze Spikers


Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
7 p.m. F2 Logistics vs Petron

MAKUHA ang kampeonato ang tatangkain ng Petron Blaze Spikers sa pagsagupa sa F2 Logistics Cargo Movers sa Game 2 ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals series ngayon sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Magsisimula ang aksyon ganap na alas-7 ng gabi at hangad ng Blaze Spikers na tuluyang tapusin ang labanan at maagaw ang korona mula sa Cargo Movers sa prestihiyosong women’s club tournament na suportado ng Isuzu at UCPB Gen katuwang ang ESPN5 bilang official broadcast partner.

Bumida para sa Petron ang import nitong Katherine Bell na nagsagawa ng 36 attacks, apat na aces at dalawang blocks para magtapos na may 42 puntos at ihatid ang Blaze Spikers sa 23-25, 20-25, 25-15, 25-22, 15-9 pagwawagi kontra Cargo Movers sa Game 1.

Nakatuwang ni Bell sina Lindsay Stalzer, Remy Palma, Aiza Maizo-Pontillas at Rhea Dimaculangan para makabalik ang Blaze Spikers sa laban.

Kakaibang paglalaro ang ipinakita ni Bell sa ikalimang set sa pag-iskor nito sa walo sa huling siyam na puntos ng Petron para gulantangin sina Aby Maraño, Cherry Nunag at ang iba pang F2 Logistics defenders.

Read more...