Kris sa next BF: Kailangan aprub kay Bimby!

BIMBY YAP AT KRIS AQUINO

KUNG magkakaroon man ng bagong boyfriend si Kris Aquino, kailangan daw ay aprubado ito ng kanyang dalawang anak, lalo na ni Bimby.

Napanood namin ang bagong video na in-upload ni Kris sa kanyang social media account na may titulong “Unscripted With Kris,” dito si Bimby naman ang nagsilbing host na nagtanong tungkol sa lovelife ng kanyang mama.

Dito nga natanong ni Bimby kung sino ang first love ng kanyang ina na ikinabigla ni Kris. Nagbigay pa ng clue si Bimby at pabiting nag-dialogue ng, “A…A…Al…” Ang gustong sabihin ay Alvin Patrimonio na naging bahagi rin ng buhay ng Social Media Queen.

Chika naman ni Kris, “Bimb, nananahimik. Happily married, let’s keep it that way.”

Sunod na tanong ni Bimby kay Kris, “Would you want another relationship in the future?” Na sinagot naman ni Tetay ng, “Yes, of course. Only if he is Bimby approved. With the Bimb’s seal of approval.”

Hirit pa ni Kris kung magkakaroon siya ng bagong dyowa, second priority lang siya sa kanyang mga anak, “I think anybody who will enter our lives will accept the fact that you guys (Bimby at Joshua) come first and he will only come second.”

Huling question ni Bimby sa ina, “Will you ever be betrayed again?” Tugon ni Kris, “Quota na si Mama. I think we have been betrayed too many times, dude. No, but God, I think will grant us someone good, finally.”

Read more...