Sarah matindi ang pinagdaraanang pagsubok, mga magulang binalaan


KITANG-KITA ang pagkabalisa ni Mommy Divine, matapos ang kontrobersyal na concert ni Sarah Geronimo sa Las Vegas, Nevada, bilang bahagi pa rin ng US tour ng kanyang “This 15 Me” concert.

Sa mainit na pinag-uusapang YouTube video ng naging performance ng Pop royalty, makikita pa rin ang grabeng suporta ng kanyang ina, na humingi rin ng “sorry” sa mga nagbayad at nanood ng show ng kanyang anak.

Bukod kasi sa malayo ito sa usual na Sarah show, nagkaroon pa ng moment na nag-walkout ang dalaga after maging emosyonal on stage at hindi na nga tinapos ang isa niyang production number.

Ang feeling namin, umabot na sa puntong “nangungulila” si Sarah na dinagdagan pa ng matinding pagod sa sunud-sunod na show niya sa Amerika. Marami sigurong na-realize ang singer-actress habang malayo sa Pilipinas kaya nasabi niyang “I feel empty.”

Ang idolo niyang si Michael Jackson ang ginamit niyang halimbawa ng nararanasan niyang tagumpay na may kakambal na kakaibang kalungkutan na ayon pa sa kanya ay hindi raw pala niya kayang i-handle.

Actually, bago pa man siya tumulak sa US para sa series of concert, nagparamdam na siya sa kanyang Araneta Coliseum anniversary concert ng tila paghahanap ng sagot sa mga tanong tungkol sa pagiging kuntento, masaya at buo bilang isang babae at bilang isang tao.

Samantala, nakakabilib din ang klase ng suportang ipinakita ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, na agad nagpahatid ng moral support kay Sarah. Nangako itong hindi niya iiwan ang dalaga sabay sabing, “I love you, and I miss you!”

Mukhang matindi nga ang “krisis” na nararamdaman ngayon ni Sarah G. at ngayon niya higit kailangan ang pang-unawa at suporta ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Binigyan din ng warning ng Popsters ang magulang ni Sarah na bantayang mabuti ang dalaga para hindi na ito ma-depress.

Sarah, give yourself a break and find yourself. You deserve to be genuinely happy and be filled with love.

q q q

At dahil wala namang pumatol sa mga taong sinumbatan ni Kris Aquino, kaya’t balik na naman siya sa pagpi-PR sa kanyang sarili.

Ang latest emote nga nito na type niyang ampunin si Joshua Garcia ang nais nitong i-play-up dahil nagsimula na ang shooting ng movie nila kasama si Julia Barretto.

She needs to be very visible and put herself into the limelight again dahil dalawang sikat na millennial stars ang katrabaho niya.

At bilang super patola naman siya sa bawat kuda at hanash ng netizens sa social media, dapat nga niyang paganahin ang kanyang smart approach para bago man lang ipalabas ang comeback movie niya na hopefully ay magbabangon sa kanyang career, feeling “in na in” na siya uli.

Asahan na natin na ang mga susunod na kabanata ng kanyang mga gimik ay nakasentro sa JoshLia.

Wanna bet?

Read more...