NASUNGKIT ng De La Salle University ang ikatlong sunod na kampeonato sa UAAP women’s volleyball tournament matapos walisin ang Far Eastern University sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals match Miyerkules ng hapon sa Araneta Coliseum.
Itinakas ng Lady Spikers ang 26-24, 25-20, 26-24 panalo para sa kanilang ika-11 titulo sa liga.
Kinilalang Finals MVP si Dawn Macandili.
MOST READ
LATEST STORIES