NAPAKARAMI kong natatanggap na text (pati na rin sa messenger) mula sa ilang kaibigan at kakilala na nagtatanong kung nasaan na raw ang singer na si Michael Pangilinan at kung ano na ang nangyari sa kanya.
Hindi rin namin sila masagot dahil wala rin kaming idead kung nasaan na nga ba ang anak-anakan namin na dating alaga ni Nanay Jobert Sucaldito. December, 2017 nang huli kong makausap si Michael at mula noon ay wala na akong balita sa kanya.
Ang masaklap, mukhang pati yata sa akin ay wala nang pakialam ang male singer dahil just recently ay in-unfollow na niya na ako sa Instagram at Twitter. Marami ang nagsasabing tila nalaos bigla si Michael
nang tuluyang iwan sa ere ang kanyang manager.
Iniwan niya sa ere si nanay Jobert sa pag-aakalang kayang-kaya na niyang solohin ang paghawak sa kanyang career. Yes, nagtagumpay ka sa iyong karera pero hindi dapat lumaki ang ulo mo Michael Pangilinan, na pati ang kaisa-isang taong nagtiyaga para magkaroon ka ng pangalan sa showbiz ay “kinuwentahan” mo mula ulo hanggang paa.
Simula rin daw noong December ay hirap na hirap na ang mga promoter at producer na gusto siyang kunin para sa mga show dahil balitang napakataas na raw ng hinihingi niyang talent fee.
Nakakapanghinayang lang dahil napakaganda na ng takbo ng kanyang career pero biglang nawala dahil sa kagustuhan niyang magsolo. Imagine, kahit sa mga inquiries namin ay deadma na siya at hindi na sumasagot?
Dapat iniisip mo pa rin kung ano ang makakabuti sa iyo bilang isang singer. Dapat kahit wala ka ng manager, ipakita mo na ikaw ay professional pa rin sa trabaho at marespeto sa mga nakakatrabaho mo.
Nanghihinayang lang ako sa galing mo bilang artist. Sayang ka, Michael Pangilinan! Sana hindi pa huli ang lahat paramakabawi ka uli sa iyong career.
MOST READ
LATEST STORIES