Du30 idineklarang special non working holiday sa Mayo 14

IDINEKLARA ni Pangulong Duterte na special non working holiday sa Lunes, Mayo 14, 2018, para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buong bansa.

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinirmahan na ni Duterte ang Proclamation number 479 kaugnay ng pagdedeklara ng special non working holiday sa buong bansa.

“Monday, 14 May 2018 should be declared a special (non-working) day to enable the peeople to fully exercise their rights of suffrage,” sabi sa Proclamation 479.

Pinirmahan ni Duterte ang proklamasyon kahapon.

Read more...