Sa survey noong Marso, naitala sa 39 porsyento ang net trust rating ni Robredo (58 porsyentong napakalaki o medyo malaki, 23 porsyentong undecided at 18 porsyentong medyo maliit o napakaliit).
Mas mababa ito sa 52 porsyento na net trust rating ni Robredo sa survey noong Disyembre (66 porsyentong napakalaki o medyo malaki, 20 porsyentong undecided at 14 porsyentong medyo maliit o napakaliit).
Pinakamababa ang net trust rating ni Robredo sa National Capital Region na naitala sa 23 porsyento (52 porsyentong napakalaki o medyo malaki, 20 porsyentong undecided at 28 porsyentong medyo maliit o napakaliit).
Sumunod naman ang Mindanao kung saan naitala ang 32 porsyentong net rating (55 porsyentong napakalaki o medyo malaki, 21 porsyentong undecided at 23 porsyentong medyo maliit o napakaliit).
Sinundan ng ito ng iba pang bahagi ng Luzon na naitala sa 41 porsyento (56 porsyentong napakalaki o medyo malaki, 28 porsyentong undecided at 15 porsyentong medyo maliit o napakaliit).
Sa Visayas ay 56 porsyento ang naitala (70 porsyentong napakalaki o medyo malaki, 36 porsyentong undecided at 18 porsyentong medyo maliit o napakaliit).
Ginawa ang survey noong Marso 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.