Sa survey na isinagawa noong Marso, 64 porsyento ang tutol na amyendahan ang Konstitusyon (32 porsyento na ayaw amyendahan ngayon pero maaaring amyendahan sa hinaharap, at 32 porsyento na tutol na amyendahan pa ito).
Dalawampu’t tatlong porsyento naman ang pabor na amyendahan ang Konstitusyon ngayon. Labing tatlong porsyento naman hindi masabi kung pabor sila o hindi.
Sa survey noong Hulyo 2016, ang mga pabor sa Chacha ay 37 porsyento at ang tutol ay 44 porsyento.
Pinakamarami ang nagsabi na tutol sila na amyendahan ang Konstitusyon sa Luzon hindi kasali ang National Capital Region. Naitala ito sa 71 porsyento.
Sa NCR ang mag tutol ay 59 porsyento. Ganito rin ang naitala sa Visayas.
Kahit na sa Mindanao ay nakararami ang tutol sa Charter change. Naitala ito sa 58 porsyento.
Pinakamarami naman ang pabor dito sa NCR (34 porsyento) na sinundan ng Mindanao (24 porsyento), Visayas (23) at iba pang bahagi ng Luzon (18).
Sa tanong kung gaano kalaki ang antas ng kanilang kaalaman sa isinusulong na federalismo ng Pangulo, 29 porsyento ang nagsabi na sapat at 71 porsyento ang hindi.
Tutol naman ang 66 porsyento sa panukalang federalismo samantalang 27 porsyento lamang ang pabor dito. Ang undecided ay 6 porsyento.
Pinakamarami ang tutol sa federalismo sa Luzon hindi kasali ang NCR (75 porsyento), na sinundan ng Mindanao (65), Visayas (60) at NCR (54).
Pinakamarami naman ang pabor sa NCR (42 porsyento), na sinundan ng Visayas (34), Mindanao (33) at iba pang bahagi ng Luzon (17).
Ang survey ay ginawa mula Marso 23-28. Kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.