Halikan nina Tintin at Oyo sa beach ikinakilig ng mga mag-asawa


SA pambihirang pagkakataon ay nag-post si Kristine Hermosa ng photo which showed her and husband Oyo Sotto kissing while in a beach.

“Every day we are given a chance to live our life choosing what matters the most. I choose God, i choose love. Today, i choose YOU once again… and thats how i want to live the rest of my days… @osotto. Thank you, Jesus for your unlimited love and grace #marriage #Godsgift.”

‘Yan ang caption ng isa sa stars ng Bagani sa kanyang IG photo.

“Swerte ni Oyo isa sa pinakamaganda si Kristine, mabait pa.”

“Sooo nice of Kristine. Talagang mapagmahal sa pamilya. Good family. Sana forever kau kasi bagay na bagay kau.”

‘Yan ang comment ng fans na kinilig sa kissing photo nina Kristine at Oyo.

Samantala, usap-usapan pa rin ang eksena nina Kristine at Liza Soberano sa Bagani. Puring-puri nila ang una dahil parang naka-discover daw ito ng fountain of youth dahil maganda pa rin ito at bagay it sa role niya bilang Malaya.

“Napa super WooooW ako sa ganda ni Kristine. Grabe! Bagay na bagay sa kaniya ang apelyidong Hermosa. Wala parin kupas ang ganda niya kahit 4 na ang anak. Aminin niyo mas maganda siya kay Liza.”

“Super ganda pa rin ng lodi ko, ang swerte ni Oyo!Jackpot na jackpot!”

Read more...