Teresita Ssen na-bad trip, sinalihang pageant ikinumpara sa Suffer Sireyna ng Eat Bulaga


TULAD ni Vice Ganda, hindi rin pinalampas ng actress-beauty queen na si Teresita Ssen Marquez ang isa niyang follower na nambasag sa ipinost niya sa Instagram with her picture kasama ang iba pang beauty titlists.

Nilagyan niya ito ng caption na: “I am just so proud of my fellow MWP Queens! You guys are Queenin’ it! We all know that the journey is going to be hard but we also know nothing is impossible! GOD, GOALS, GRIND.

“Minor pageant or major pageant whatever they want to call it. If they only knew how hard it is. ang importante WE RAISED THE FILIPINO FLAG! we showed them who we really are sa INTERNATIONAL STAGE!

“Congratulations Miss Eco International 2017-2018 @thia_thomalla. Top 40 and Winner of BEAUTY WITH A PURPOSE @iamlauralehmann and Miss Multinational 2017-2018 @sophiasenoron. I LOVE YOU GIRLS! ang gagaling niyo.”

Tila napikon naman si Winwyn nang ikumpara ng isang basher ang sinalihan niyang beauty pageant sa gay pageant ng Eat Bulaga na Suffer Sireyna.

Buwelta ni Winwyn, “Sali ka sa pagent na ‘to then make sure manalo ka ah since ‘no weight na pageant’ so madali lang. Oh! sabihan mo din mga latinas na sumali.”

Si Winwyn ang kauna-unahang Pinay na sumali sa Reina Hispanoamericana (ginanap noong December, 2017) na siya ring nakakuha ng korona at karamihan nga sa mga nakalaban niya ay mga Latina.

May mga nagtanggol din kay Winwyn na mga netizens at sinabing huwag na niyang patulan ang mga walang kuwentang bashers.

Kahit daw ano pa kasi ang gawin niyang paliwanag sa mga ganitong uri ng tao ay wala ring patutunguhan.

Read more...