ISANG matunog na sampal ang nagbigay daan para isipin ng isang government official na tuluyan na niyang iwan ang puwesto sa pamahalaan.
Bagaman hindi pa niya sinasabi kung kailan niya lilisanin ang posisyon ay inaasahan naman na mangyayari ito sa lalong madaling panahon.
Simulan natin ang ating kwento ngayong araw sa balwarte ng isang powerful politician sa Katimugang bahagi ng ating bansa.
Matagal na kasing naririnig hanggang sa napansin na rin ng partner ng very powerful politician ang pagiging malapit dito ng isang “Undersecretary”.
Si Madam Undersecretary ay nasa kanyang early 30s pa lamang, ay maganda pa rin kahit na medyo tumaba nang kaunti nang siya’y mag-asawa at magkaaanak.
Nakilala nito ang tinutukoy nating pulitiko bago pa ito naluklok sa makapangyarihang posisyon sa pamahalaan.
Noon pa man ay panay na ang biro rito ni Mr. Politician na kilala sa kanyang pagiging palikero kaya hindi nagtagal ay inakala ni Usec na seryoso na sa kanya si Sir.
Sa totoo lang ay talagang palabiro si Mr. Politician lalo na sa mga tisay at medyo malusog ang pangangatawan.
Pero lately ay naging masyadong malapit si madam kay sir at pati sa mga official trip sa abroad ay bitbit nito ang kanyang anak.
Lingid sa kaalaman ni Usec ay palihim pala siyang sinusubaybayan ng magandang partner ni Sir.
Dumating sa punto na pinagsabihan niya si Usec na dumistansya pero muli raw itong naging madikit noong sila ay nagkita ni Sir sa teritoryong lungsod nito kamakailan.
Dito muling kinompronta ni Madam si Usec at natapos ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng isang malutong na sampal sa pisngi ng batang opisyal.
Ang government offcial na nakatikim ng sampal-de-pataranta sa kanyang pisngi ay si Miss M….as in Maya-maya.