‘Kung maging beki nga si Bimby, krimen na ba ‘yun?’

BIMBY AQUINO YAP AT KRIS AQUINO

Huwag  na lang sanang sinasagot ni Kris Aquino ang mga tanong tungkol sa kasarian ng kanyang anak na si Bimby. Palampasin na lang sana niya ang pang-uurirat ng kanyang mga bashers tungkol sa gender ng kanyang bunso.

Mas nagpapaliwanag kasi si Kris ay mas napag-uusapan ang kalambutan ng kanyang anak na ibinabato laban sa kanya. Mas magandang deadmahin na lang ni Kris ang mga ganu’ng katanungan.

Mas napag-uusapan ay dumidikit tuloy ang ideya sa kamalayan ng publiko. Kung hindi na pag-uusapan ang kinukuwestiyong kasarian ng bagets ay mas makagaganda.

E, ano naman kung malambot gumalaw si Bimby, palatandaan na ba ‘yun na magiging becki ang kanyang anak? At kung maging becki nga si Bimby, krimen na ba ‘yun, dapat na bang itakwil ng lipunan ang anak nina Kris at James Yap?

Pero ang unang hakbang ay dapat kay Kris manggaling. Pass na lang kapag ang gender na ni Bimby ang ginagawang pambala sa kanya ng mga bashers.

Siya na rin naman ang palaging nagsasabi na silence is the best reply to a fool.

Read more...