Jen, Tom hindi uurungan ang hamon ng ‘The Cure’


WORTH it ang paghihintay ng mga viewers sa pinakabagong primetime series ng GMA Network na The Cure. Para sa kanila, perfect na tambayan daw gabi-gabi ang nasabing serye na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Bukod sa nakakatindig balahibong mga eksena sa The Cure, nakuha rin ng Kapuso series ang kwento nitong pangpamilya. Mas bumilib lalo ang manonood sa dalawang bida dahil kahit anong role raw ang ibigay sa mga ito—mapa-action man o drama, they are going to slay it.

Trending ang ginagawa nilang drama habang nag-aaksyon. Iba rin talaga ang husay ni Direk Mark Reyes sa pinakabago niyang obra sa GMA.

Sa pagsisimula ng The Cure, paano nga kaya nagresulta sa isang outbreak ang simpleng kagustuhan lang ni Greg (Tom) na bigyang solusyon ang sakit ng kanyang ina? Patuloy na tutukan ang pilot week ng The Cure sa GMA Telebabad!

Read more...