Bimby ibinuking ang first love ni Kris

KRIS AQUINO AT BIMBY

BAGAY magkaroon ng talk show ang mag-inang Kris Aquino at Bimby. Namana rin kasi ng bagets ang pagiging diretso at honest ng kanyang nanay.

‘Yun nga lang, papayagan ba ni Kris na makasama ang anak sa isang show dahil tiyak na matatalo siya sa kadaldalan ni Bimby at mukhang mas taklesa pa ang bata kaysa sa kanya.

Kaya nga parating sinasabi ni Kris na ang bunsong anak ang katapat niya dahil nagmana sa kanya ang pagkatabil ng dila nito.

Anyway, nagpasampol si Kris ng usapan nila ni Bimby na ipinost niyang video nitong Lunes ng gabi.
Narito ang caption ni Kris sa kanyang video habang ini-interview siya ni Bimby, “The tables were turned.

My bunso got to interview me. I specifically asked NOT to be shown the questions in advance because I wanted all of you to really get to see my #AUTHENTICITY.”

Unang tanong ni Bimb, “Would you want to have another relationship in the future? Mama do you think you will ever betrayed again? Will You love someone in the future?”

Maging ang tungkol sa first love ni Kris ay hindi pinalampas ng bagets, “Who was your first love?” Sagot ni Kris, “First love?”

Hindi pa nakakasagot ang Social Media Queen ay humirit na agad si Bimby ng, “A, A, Al…” na ang tinutukoy nga ay si Alvin Patrimonio. Ang tanging nasabi na lang ni Kris ay, “Hay! Nakakaloka ‘to!”

Tanong ulit ni bunso ni Kris, “Will you love someone more than me and kuya in the future?” Sagot agad ng kanyang mama, “Never! Having a relationship with Kris Aquino means having a relationship with the entire Philippines.”

Pumapalakpak na sabi ni Bimby, “Yey! That means you will never got a boyfriend.”

Tanging nasabi na lang ng nanay, “See, ang hirap nito, e, sumasagot pa ako (sabay hawak sa ulo).”

“My God BCAP’s (Bimby Cojuangco Aquino) gonna be viral, yes!” panggagaya pa ni Bimby kay Kris.

“Why do you spoof your mother?” hirit naman ni Kris sa anak. “Because it’s fun!” tugon ni Bimby.

Umabot na sa 371,000 ang nakapanood sa interview ni Bimby kay Kris at halos lahat ay positibo naman.

Read more...