Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles nagpapatong ang Grab ng hindi bababa sa P40 kada biyahe, at hindi wala itong pahintulot mula sa Land Transportation and Regulatory Board.
Paliwanag ni Nograles, batay sa Order ng LTFRB noong Disyembre 27, 2016, ang Grab ay pinapayagan lamang na maningil ng P40 base fare, P10-P14 per kilometro at surge na hanggang doble ng per kilometer charge.
Batay sa inaprubahang fare structure, ang isang rider na bibiyahe ng 500 metro sa peak hour na sisingilin ng doble sa per kilometer ay dapat lamang magbayad ng P68 (P40+P14x2).
“However, when I asked netizens to experiment with me using their own Grab app from SM Megamall A to SM Megamall B, the fares ranged from P100 to P108. Again, Grab Philippines is charging passengers above the LTFRB-approved fares,” ani Nograles.
Matapos mabili ng Grab ang Uber, umaabot na sa 2.5 milyon ang biyahe ng mga driver nito kada linggo. Kaya kung aabot umano sa P40 ang sobrang singil sa bawat biyahe ito ay aabot ng P100 milyon.
Ito umano ay ebidensya na mayroong problema ang algorithm na ginagamit ng Grab.
Kung magpapa-book ka umano sa Manila Hotel, ayon kay Nograles, at magpapahatid ka sa Manila Hotel din ang singil sa iyo dapat ay P40 lamang pero ang sinisingil ng Grab ay P80.
“That means, the minimum fare of Grab is really P80 and not P40 as ordered by the LTFRB. No wonder everyone is complaining about the high fares nowadays,” dagdag pa ng solon.