Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao lalong lumiit ang halaga ng P512 arawang sahod sa pagtataas ng presyo ng bilihin na pinalala pa ng pagpapatupad ng Tax Reform Acceleration and Inclusion.
Sa pag-aaral ng IBON Foundation, sa National Capital Region ang family living wage ay dapat P1,168 kada araw para matugunan ang pangangailangan ng pamilya na may anim na miyembro.
Kung lima ang miyembro ang kailangan ay P973.
“That is why a National Minimum Wage should be implemented across the board to mitigate the ill-effect of the TRAIN Law,” ani Casilao.
Inaasahan na sa Mayo 1 ay ipapanawagan ng iba’t ibang labor group ang pagpapataas sa sahod.
“The P750 national minimum wage that various workers’ groups are calling is a just demand and should be supported not only by the workers themselves but also by the public to press the Duterte government to act.”
Bukod dito ay sinisingil din ni Casilao si Duterte sa pangako nito na ipagbabawal na ang kontraktuwalisasyon.
Ayon sa mga ulat, inaasahang aabot sa 90 sentimos hanggang P1 ang taas presyo sa bawat litro ng gasolina sa Martes, 70-80 sentimos sa bawat litro ng diesel at 70-80 sentimos sa kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES