AMPATUAN DUGUAN!

UMIILAG si Datu Unday Mayor Andal Ampatuan Jr., nang batuhin habang patungo sa preliminary investigation ng mga kasong murder sa Maynila. INQUIRER

DUGUAN ang noo ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., nang dunggulin ng photographer ng camera habang patungo sa preliminary investigation sa Department of Justice kahapon.
Ayon kay Ric Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation counter-terrorism unit at tagapagsalita sa Maguindanao massacre case, sinadya ang pagkakadunggol. Di kinilala ni Diaz ang photojournalist na dumunggol.
“The concussion, it was a big bump, bled. It was definitely deliberate,” ani Diaz. “We really tried to secure the Datu Unsay mayor but we found it hard when some members of the media acted this way.”
Bukod dito, sinalubong si Ampatuan ng mga opisyal ng National Press Club at halos sampalin ng mga retrato ng mga pinaslang sa hukay sa Maguindanao.

BANDERA NEWS, 121809

Read more...