Arjo handa nang magpasampal kay Maricel: Gusto ko siyang ma-experience!

PAGKATAPOS ng Hanggang Saan, balak munang magpahinga ni Arjo Atayde ng dalawa hanggang tatlong buwan sa paggawa ng teleserye.

Ito’y para paghandaan na rin ang bago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang latest drama series ng Dreamscape Entertainment TV na The General’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin at ng Diamond Star na si Maricel Soriano, kasama sina Ryza Cenon, Eula Valdes at Janice de Belen.

Nakachika ng entertainment press si Arjo sa nakaraang mediacon ng BeauteDerm, siya ang napi-ling brand ambassador ng bago nitong produkto, ang Origin Series Perfume.

Ayon sa Kapamilya actor, ngayon pa lang ay excited na siyang mag-report sa taping ng The General’s Daughter at handa raw siyang gawin ang lahat ng iuutos ng kanilang direktor para patunayan na hindi nagkamali ng pagpili sa kanya ang Dreamscape ni Deo Endrinal.

Ayon pa sa binata, handa na rin siya na ma-experience ang nakakalokang sampal ng isang Maricel Soriano na kilala sa pagiging halimaw pagdating sa sampalan at tarayan.

“Yeah! Ready na! It’s an experience you know. I’m not scared to experience anything bad like that. She slaps hard, that’s her eh, what can I do? That’s her emotions as an actress and I respect her,” sey pa ni Arjo.

Kuwento pa ng anak ni Sylvia Sanchez, siguradong mae-excite din ang madlang pipol sa gagampanan niyang role sa The General’s Daughter, para sa kanya ito na ang pinaka-challenging na role na naibigay sa kanya ng mga bossing ng ABS-CBN.

“This is the most challenging role I’ll ever do on television, it’s crazy. I told my Mom and Tita Maricel as well when we had dinner couple of days ago. Sabi ko, ‘Tita, I don’t know how I am going do it.’ Sabi niya, ‘You just have to believe in yourself.’ And she’s just there to guide me,” kuwento pa ni Arjo.

Kung matatandaan, dumalaw si Maria sa bahay nina Arjo kamakailan para bisitahin ang kanyang nanay na si Ibyang. Alam naman ng lahat na idol na idol ni Sylvia ang Diamond Star at very thankful siya kay Maricel dahil tinanggap siya nito bilang kaibigan.

Ngayon pa lang ay abot-langit na ang pasasalamat ni Arjo sa Dreamscape dahil sa chance na ibinigay sa kanya para makatrabaho ang idol ng kanyang ina.

“So with the superstar to guide me, nakakatuwa. Of course, I’m more than exci-ted. It’s an understated excitement. I’m working with the two actresses that I look up to, feeling ko kakabahan talaga ako pag nag-start na kami,” sey pa ni Arjo.
Samantala, dahil sa magandang image ni Arjo, at sa kanyang mass appeal kahit na nga anak-mayaman,

siya ang napiling maging brand ambassador ng Origin Series Perfume ni Rhea Anicoche Tan, ang may-ari ng BeauteDerm.

Ayon kay Rei, perfect si Arjo bilang endorser ng bago nilang produkto na nagre-represent sa target clients nila. “Our new line of perfume ay para sa aming male market, offering three different scents for stand-out styles and lifestyle choices of men. So, pwede silang mamili sa Radix, Dawn and Alpha scents kung ano ang type nilang amoy,” ani Ms. Rei na puring-puri ang personalidad ni Arjo bilang aktor at bilang anak.

Ibinandera rin ni Rei na gawa sa mixed imported oils mula sa France ang Origin Series kaya long-lasting ang amoy nito, “Tsaka light lang ang scent niya, hindi yung matapang na nakaka-irritate na sa ilong, non-sticky din siya and does not stain on fabrics.”

Inamin naman ni Arjo na adik talaga siya sa perfume, like na like niya ang citrusy na mga pabango, natatawa nga niyang kuwento, “Actually sa sobrang hilig ko sa pabango, one night bigla na lang akong nag-spray then I realized na matutulog na nga pala ako.”

In fairness, palaki na nang palaki ang business ni Ms. Rei na nagsimula lang sa paggawa ng whitening soap, bleaching products at facial care kits noong 2009. Ngayon, napakarami na nilang partner distributors hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ilang bahagi ng Asia, Europe, Middle East at North America!

Very soon ay bubuksan na rin ang first international outlet nila sa Lucky Plaza sa Singapore.

Read more...