RJ Agustin pangarap makatrabaho sina KZ, Yeng at Morisette


PAANO nga ba kapag seryosohan na?

‘Yan ang tema ng first ever single ni RJ Agustin under Star Music Philippines composed by Kiko Salazar.
Nag-guest kamakailan si RJ sa showbiz talk show na #ShowbizLive (Wednesdays, 8 p.m. sa Radyo/TV Inquirer 990 AM, Inquirer.net at Bandera Facebook page) kung saan nakachikahan niya ang mga hosts ng programa na sina Ervin Santiago at Izel Abanilla.

Nagpasampol din siya sa mga manonood at tagapakinig ng #ShowbizLive ng kanyang kantang “Seryoso Na Pala”, isang awitin sa point of view ng taong minahal na hindi niya inakala.

Ayon kay RJ ang inspirasyon ng kanta ay mula sa mga taong “nagkakapaan” pa kung saan sila lulugar sa puso ng isa’t isa, yung closeness between two people na malapit na malapit nang mauwi sa pag-iibigan.

“Ang tawag ko nga sa song na ito ay almost a love story,” sabi pa ni RJ.

Humugot din ang baguhang singer sa personal experience niya para mabigyan ng hustisya ang kanta, i-namin niyang may pagka-true to life ang dating ng song sa kanya.

“Marami kasing chances na hindi mo alam kung kayo o may gusto ba siya sa ‘yo, so mahirap talagang kapain ang real score, pero ang mahalaga diyan, handa ka sa risks para magkaalaman na,” sabi ni RJ.

Tinanong din siya kung nasubukan na ba niyang klaruhin sa taong yun ang ganu’ng sitwasyon? “Mahirap kasing mag-assume eh. Mahirap, kasi nakakahiya (magtanong). O, kunyari tinanong mo siya tapos nag-assume ka lang pala.”

May pagkakataon ba na may babaeng diretsong umamin sa ‘yo na gusto ka niya? “Wala pa naman, hindi ko pa na-experience.”

Sa ngayon ay walang lovelife si RJ pero handa naman daw siya sakaling may dumating.

Although may experience na si RJ sa acting, right now ay focus muna siya sa kanyang singing career. Ito kasi ang first love niya mula pa noong bata siya.

Anyway, available na ngayon ang music video ng “Seryoso Na Pala” on YouTube.

May mga plans na rin daw ang Star Music para sa collaboration niya with other artists. Pangarap niyang makatrabaho sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Morissette Amon.

Read more...