Baguhang young actor hiyang-hiya kay Sandara Park


CHARMING ang newbie artist na ni-launch ng Light of Life Talent Management na si Christian Tan. All smiles siya habang nagpe-perform kasama ang iba pang artists ng LOL. At ang lakas ng stage presence niya, huh!

Nag-start siya sa LOL Talent Management na pinamamahalaan ng dating artista at ngayon ay direktor na rin na si Anne Villegas noong 2014. Kabilang siya sa audition workshop ng batch 4.

Aminado siya na hindi siya talaga marunong umarte. Sobrang mahiyain daw kasi siya. Pero very thankful siya kay Direk Anne na nagtiyaga sa kanya sa workshop.

Nu’ng una po na-discourage na talaga ako. Bagsak na po ako dati sa audition kay Direk Anne. Buti na lang may second audition pa po siya. Tapos doon po niya ako napili,” kwento ni Christian.

Isinama siya ni Direk Anne sa stage play ng Sining Pinagpala Theater Foundation na pinamagatang “Aquarium Na Walang Tubig” bilang isa sa mga bida na si Botchok.

But what’s so notable with this guy is when he did a food chain TV commercial with no less than international star Sandara Park, “Opo, nagstart po noon, una nag-VTR lang po ako. Actually, unexpected po talaga. Tapos po nakuha ako sa final casting. Apat po kami doon na pinagpilian.”

Nu’ng una raw ay hindi pa niya alam na si Sandara ang makakasama niya sa TV ad. Kaya sobrang nagulat siya nu’ng dumating ang Korean star sa shoot.

“Nu’ng una po parang pagdating niya, nag-hi lang po siya. Pero medyo nahiya po ako. Siya po talaga yung nag-approach sa akin, sobrang bait po niya and down to earth,” sabi pa ng binata.

Mas lalo pa raw naging memorable ang experience niya with Sandara nu’ng nakipag-selfie siya sa Korean star.

Read more...